-- Advertisements --

Nakatakdang magsagawa ng isang nationwide voter education roadshow ang Commission on Elections (Comelec) sa Lunes, December 2, 2024. 

Ito ay bilang paghahanda sa 2025 National and Local Elections at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Parliamentary Elections. 

Kasama sa roadshow ang mga live demonstration ng automated counting machine (ACM), upang maging pamilyar ang mga botante sa bagong teknolohiya.

Magkakaroon ng pagkakataon ang mga bagong rehistrado at dati ng botante na maranasan kung paano gamitin ang ACM.

Tatakbo ang naturang roadshow hanggang January 30, 2025.