-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Bawal muna ang pangangampanya ng mga kandidato simula ngayong araw hanggang Biyernes Santo.
Ito ang sinabi ni Comelec Maguindanao Election Supervisor Atty Ernie Palanan.
Nakasaad sa batas na mahigpit na ipinagbabawal ang pangangampanya ngayong araw hanggang Biyernes Santo.
Bawal rin i-ere sa radyo at telebisyon ang mga political ads ng mga kandidato.
Maaaring makasuhan ang mga kandidato na makikitang mangangampanya sa araw na pinagbabawal ng Comelec.
Hiling ng Comelec sa mga kandidato na magnilay-nilay,isipin ang kapakanan ng taong bayan at hindi ang pansariling interes.