-- Advertisements --

Mahigpit na magpapatupad ang Commission on Elections ng mga regulasyon para sa campaign materials sa ilalim ng “Operation Baklas” bilang paghahanda sa nalalapit na campaign period na magsisimula sa Pebrero 11. 

Binigyang-diin ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na aktibong babaklasin ng mga local Comelec offices ang mga campaign materials na hindi susunod sa tamang sukat o pinaskil sa hindi otorisadong lugar o pwesto. 

Magpapatupad din ang poll body nang mas mahigpit na hakbang laban sa vote-buying at vote-selling. 

Maaari namang ipagbigay-alam ng publiko ang insidente, kabilang ang mga larawan o video, sa Committee on Kontra-Bigay.

Ang vote-buying at vote-selling ay itinuturing na election offenses at kung sino mang indibiwal na masasangkot sa ganitong aktibidad ay maaaring arestuhin nang walang warrant.