-- Advertisements --

VIGAN CITY – Malaking hamon sa Commission on Elections o COMELEC ang paghikayat sa mga Pilipino na magparehistro upang makaboto sa sa susunod na 2022 presidential at local election.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Commission on Elections Spokesperson James Jimenez, mababa ang turn out registration noong September 1 hanggang December 18 na aabot lamang sa 950,000 na malayo sa limang milyong target ng nasabing ahensya.

Aniya, dinagsa ang mga tanggapan ng COMELEC sa dami ng mga nagpaschedule noong nakaraang taon upang magparehistro.

Naniniwala si Jimenez na ngayong taong 2021 dadami pa ang mga taong interesdong magparehistro dahil ito ay karapatan ng mga tao na pumili at bumuto ng susunod na lider ng bansa.