Ipinahayag ni Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Ernesto Maceda Jr. na mas papaigtingin nila ang ‘Ayuda Ban’ o ang mga probisyon sa abuse of state resources.
Sinabi niya na may mga ilang babaguhin ang komisyon pagdating sa pamimigay ng mga ayuda katulad sa Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP), Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) at marami pang iba.
Dagdag pa ni Commissioner Maceda, marami ang nakakarating sa kanila na mga reports na may mga gumagamit na ng mga ganito pagdating sa kampanya kaya naman mas kailangan itong pagtuunan ng pansin komisyon.
Ang burial and medical cash assistance ay hindi nila ipagbabawal sa paparating na kampanya. Kasama rin sa tututukan ay ang paggamit ng mga e-wallets pagdating sa pamimigay ng pera sa panahon ng kampanya.
Matatandaan na 10 araw bago ang eleksyon ay hindi na maaaring magbigay ng mga ayuda.