Mayroong agam-agam ang Commission on Elections (Comelec) sa isinusulong na mandatory drug test sa mga kandidato at mga elected officials.
Sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia, na hindi naman mandatory ang drug test subalit maaring boluntaryong sumailalim ang mga kandidato kasabay ng kanilang certificate of candidacy.
Dagdag pa nito na ang panukalang pagsasailalim sa drug testing sa mga elected at appointed official ay isang magandang proposal subalit mayroon itong legal implication na dapat tignan.
Nakasaad sa ruling ng Supreme Court na walang karapatan ang Comelec na atasan ang mga kandidato na sumailalim sa drug testing at ang nasabing kaparaan ay unconstitutional.
Reaksyon ito ng COMELEC Chairman ukol sa proposal ni Davao City District 1 Rep. Paolo Duterte na inaatasan ang lahat ng mga elected at appointed officials kabilang ang pangulo ng bansa na sumailalim sa mandatory random drug test kada anim na buwan.