-- Advertisements --

Iginiit ng Commission on Elections (Comelec) na nakabatay sa Inter-Agency Task Force (IATF) at alert level ng lugar ang in-person campaign rules nila para sa Halalan 2022.

Sinabi ni Elaiza Sabile-David, Director III ng Comelec Education and Information Department, na magdedepende sa alert level status ng pupuntahang lugar o pagdarausan ng caucus, convention o pulong ang dami ng mga taong papayagang dumalo.

Aniya, may binuo silang Comelec campaign committee (CCC) mula sa national, regional, provincial, city o municipal level na siyang magmo-monitor sa compliance o pagsunod ng mga kandidato sa in-person campaign guidelines.

Nagpaalala naman ito sa lahat na hindi maaaring gawin ngayon sa in-person campaign ang mga nakagawian dati ng mga kandidato.