-- Advertisements --

Nadagdagan pa ang mga lugar na mayroon peace covenants para sa May 2022 elections.

Ito ay matapos na magtungo si Comelec Commissioner George Garcia nitong umaga sa Lucena City sa Quezon Province para ikatawan si Chairman Balt Pangarungan sa paglalagda sa peace covenant.

Kasama ni Garcia na lumagda sa peace covenant na ito sina Southern Luzon commander Lt. Gen. Bartolome Bacarro, Police Brig Gen. Leomar Abugan at Area Police Command Executive Officer Southern Luzon Police Brig Gen. Leomar Abugan.

Nauna nang sinabi ni Garcia na magkakaroon din ng peace covenants sa Zamboanga City, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, General Santos City, Maguindanao, at Cotabato City.

Kamakailan lang, dumalo rin ang naturang opisyal sa peace covenant signing sa Catbalogan, Samar.

Bago ito, nasa Marawi City rin si Garcia para sa kaparehong event.

Nauna nang sinabi ni Garcia na hindi naman critical areas of concern ang mga lugar na ito pero lumagda sila sa isang peace covenant para ipakita ang “improved security situation” at “relative peace” sa naturang mga lugar bago pa man ang simula ng campaign period.