-- Advertisements --
Voters registration Comelec vote Bombo

Muling nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) na dalawang (2) araw na lang ang natitira para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections registrations.

Ginawa ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia ang apela sa publiko na magparehistro at magamit ang karapatang bumoto.

Binanggit ng pinuno ng komisyon na ang voter registration activities ay accessible sa buong bansa maging sa mga shopping mall.

Pinayuhan niya ang publiko na bisitahin ang registration sites sa kanilang lokal na Commission on Elections (Comelec) offices gayundin ang satellite registration sa mga piling mall.

Magugunitang, noong Disyembre 12 nakaraang taon, ipinagpatuloy ng Commission on Elections (Comelec) ang voter registration, na magtatapos bukas.

Ang poll body ay paulit-ulit na inanunsyo na hindi na nito pahahabain ang voter registration period para sa October electoral exercise.