Naghain na ang Commission on Elections (COMELEC) ng disqualification case laban sa chairperson ng Barangay Carmen, Cagayan de Oro na si Raineir Joaquin Velez Uy.
Ito ay kasunod ng biglaang pagtaas ng bilang ng mga botante sa lugar ng Barangay Carmen at mahigit 8,000 na mga barangay certificate ang na-issue.
Ayon sa komisyon, ang naturang kandidato ay sinadya na mag-issue ng maraming baranagy certificates sa mga taga barangay Carmen, at kahit hindi rin sa mga residente ng naturang lugar upang mahikayat na magpa-rehistro bilang botante sa susunod na halalan at maging bentahe ito sa kanyang pagtakbo sa Eleksyon 2025.
Matatandaan na ang mga ganitong gawain ay mariin ng kinondena ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia at pinangakong agad na ireresolba.
Si Raineir Joaquin Velez Uy ay tatakbo sa halalan para maging miyembro ng House of Representatives sa ilalim ng National Unity Party (NUP).
Sa kasalukuyan ay wala pa ring nilalabas na pahayag ang kampo ni Uy kaugnay ng disqualification case na ito.