Nagbabala ang Commission on Elections sa publiko, partikular na sa tatakbong kandidato sa darating na halalan sa susunod na taon na huwag magpapabiktima sa panibagong modus ng mga scammer sa gitna ng ginagawang paghahanda ng mga kinauukulan para sa susunod na halalan sa taong 2025.
Ito ang muling ipinaalala ni Comelec Chairman George Erwin Garcia sa lahat matapos na makatanggap ng mga ulat hinggil sa mga iligal na aktibidad ng ilang indibidwal na nag-aalok umano ng tiyak na pagkapanalo sa 2025 national and local elections kapalit ng pera na nagkakahalaga sa Php100-million.
Aniya, batay sa mga impormasyong kanilang nakalap ang mga manloloko na ito ay pangunahing tina-target ang mga tatakbong kandidato para sa gaganaping eleksyon sa susunod na taon na humihingi umano ng Php50-millin hanggang Php100 million na halaga kapalit ng pagkapanalo sa 2025 elections.
Giit ni Garcia, “scam” ang mga ito kasabay ng panawagan sa mga makakatanggap man ng ganitong uri ng alok na agad sanang ipa-aresto pang hindi na muling makapanloko o makapanlinlang pa ng ibang tao.
Samantala, kaugnay nito muli namang tiniyak ng Comelec chair na mayroong mga nakahanda ang Safety measures ang komisyon upang maiwasan ng ganitong uri ng mga dayaan sa eleksyon para matiyak na rin ang transparency sa proseso nito.