-- Advertisements --

Muling binalaan ni Comelec Commissioner Rey Bulay ang mga umaakusa sa election body na pinapaboran ang sinumang kandidato sa 2022 elections na maaari silang arestuhin at makulong.

Ginawa ni Bulay ang babala sa kabila ng Writ of Habeas Corpus na may bisa pa rin sa panahon ng halalan, na magbibigay-daan sa mga mamamayan na mag-recourse laban sa detensyon nang walang pormal na kaso.

Ayon kay Bulay, hindi sila magda-dalawang isip na humingi ng tulong sa AFP na ngayon sa panahong ito ay nasa ilalim ng control ng Comelec na patulan at ipahuli at ipakulong ang mga manggugulo sa eleksyon na ito.

Nauna nang ipina-panawagan ng grupong “AIM Alumni for Leni” para sa non-partisanship at tapat, maayos at mapayapang halalan.

Itinumbok ng grupo ang panawagan nito sa Comelec, ang mga electoral boards na mangangasiwa sa halalan sa mga voting precinct, Department of Education, Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, at lahat ng deputized agencies na sumusuporta sa poll body.