Nagbabala ang Commission on Elections (Comelec) sa mga local candidate na nakabantay ang ahensiya laban sa vote buying kabilang na ang isinasagawang campaign activities sa social media gayundin sa iba pang paglabag may kinalaman sa halalan.
Subalit ayon sa Comelec maaari lamang mapanagot ang mga local candidates na lalabag simula noong ika-25 ng buwan ng Marso na simula ng campaign period para sa local elections.
Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na sila ay fully aware sa ilang mga pulitiko na umiiwas sa batas sa pagsasabing hindi pa sila maituturing na kandidato ng magawa ang ipinagbabawal na gawain pero dahil sa nagsimula na aniya ang campaign period para sa local level maaari ng mapanagot ang mga kandidatong lalabag.
Hinimok din ni Garcia ang mga kandidato na imonitor ang mga aktibidad ng kanilang rivals at ireport ang anumang paglabag sa poll body.
Hinikayat din ng commissioner ang publiko na maghain ng reklamo kung nakita nila at may ebidensiya laban sa paglabag ng isang kandidatos sa election rules kung saan nauna ng sinabi ng poll body na tatanggapin nila ang mga reklamo na isinusumite sa social media at kanila itong agad na tutugunan.
Samantala, nakatakda na pumili ng mga magiging miyembro sa bubuuing task force against fraud at vote-buying ang Comelec bukas araw ng Miyerkules.