-- Advertisements --

Pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato sa national at local level na bawal ang pangangampaniya sa araw ng Huwebes at Biyernes Santo.

Maaaring madiskwalipika sa May 9 elections ang sinumang kandidato na mangangampaniya sa nasabing mga araw.

Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, maaring humarap sa election offense case ang sinuman na mangangampanya sa naturang mga araw sa Holy Week alinsunod sa Sections 263 at 264 ng Omnibus Election Code.

Mahalaga aniyang maalala na tayo ay isang Kristiyanong bansa at may isang pinaniniwalaang Panginoong Diyos.

Nakasaad sa Section 5 ng Republic Act 7166 na nagbibigay ng kapangyarihansa Comelec na hindi isama ang dalawang banal na araw mula sa campaign period.

Ang mga kandidato na mapatunayang guilty sa election offense ay maaring makulong ng isa hanggang anim na taon at pagbabawalan na tumakbo sa numang posisyon sa gobyerno at matatanggalan pa ng karapatang bomoto.

Ang mga political parties ay maaari ding magmulta ng P10,000 kapag mapatunayang guilty sa pangangampanya sa kasagsan ng nabanggit na mga araw.