-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nagbabala ang Commission on Elections (Comelec) sa mga pulitiko na naghahakot nga mga botante para sa 2022 elections.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Comelec Commissioner Atty. Rowena Guanzon, sinabi nito na nakatanggap siya ng impormasyon na may mga pulitiko na nagdadala pa ng truck upang hakutin ang mga botante.
Ayon kay Guanzon, nararapat na maging mahigpit rin ang mga Comelec officers sa mga botante na naglilipat ng voting area.
Malinaw anya na isang uri ng pangdadaya ang nasabing gawain na hindi aniya pahihintulutan ng Comelec.