-- Advertisements --

LAOAG CITY – Iginiit na naman ni Atty. Joel Ginez, election superviser sa lalawigan ng Ilocos Norte na mahigpit na ipinagbabawal ang pagkampanya ng mga empleyado ng gobyerno at mga barangay officials para sa May 13 Midterm Elections.

Reaksiyon ito ni Ginez matapos may mga reklamo sa Bombo Radyo Laoag hinggil sa pangangampanya umano ng ilang empleyado ng gobyerno sa lalawigan.

Nagbabala si Ginez na posibleng humarap ng kasong administratibo at kriminal ang mga empleyado ng gobyerno na mapatunayang nangangampanya at posibleng tuluyang maalis sila sa serbisyo.

Maliban dito, sinabi pa ni Ginez na bawal magsuot ang mga empleyado ng gobyerno at barangay officials sa mga T-shirt na may pangalan at larawan ng mga kandidato.