-- Advertisements --

Pinangunahan ni Comelec Chairman George Erwin Garcia ang online voting and counting system training sa South Korea ngayong araw.

Kasama ni Chairman garcia ang ilang opisyal ng poll body at training team.

Layunin nitong mabigyan ng gabay ang mga mangangasiwa ng halalan sa naturang lugar, lalo’t ibang makina na ang gagamitin sa 2025 midterm elections.

Idinaos ang event sa Busan, South Korea, kung saan nagmula mismo ang mga pasilidad na gawa ng Miru Systems na siyang magsisilbing service provider.

Tiniyak din ni Garcia na magpapatuloy ang kanilang voters information drive hanggang sa election period, para mabigyan ng angkop na gabay ang mga botante ukol sa paraan ng pagboto.