-- Advertisements --
VIGAN CITY – Naghahanda na ang Commission on Elections (Comelec) para sa gagawing imbestigasyon kaugnay sa nangyaring umano’y dayaan noong nakalipas na halalan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Comelec spokesman James Jimenez, sinabi nitong ang unang hakbang na kanilang ginawa ay pagsuspende muna sa pagbayad sa contractor lalo sa pagbayad sa SD cards na siyang sinasabing nagloko at nagkaaberya.
Gusto nilang makita at alamin kung ano ang nangyari at kung ano ang dapat gawin sa sistema para hindi na maulit ang nangayari.
Sinabi ni Jimenez, magkaiba ang SD cards contractor noong nakaraang 2016 presidential elections at 2019 midterm election.
Gagawin ang joint congressional inquiry sa Hunyo 4.