-- Advertisements --

Nagsagawa ng ilang pagbabago ang Commission on Elections (Comelec) hinggil sa kanilang mga panuntunan para sa gun ban exemptions para sa Eleksyon 2022.

Ipinahayag ni Comelec chairman Saidamen Pangarungan sa naging pagpupulong ng Comelec en banc ang mga pagbabago sa Resolution No. 10728 na layuning gumawa ng mas mahusay na sistema sa paglalabas ng mga “certificate of authority” kabilang na ang “decentralization” ng pagbibigay ng exemption sa mga Regional Directors at Election Officers at maging ang pagbibigay ng automatic exemption sa mga justices, judges, at prosecutors, kabilang na ang Ombudsman.

Sa isang statement, sinabi ni Pangarungan na ang Committee on the Ban on Firearms abd Security Concerns (CBFSC) ay binigyan ng isang linggo mula ngayong araw upang maayos at tapusin ang mga proposed amendments, tiyakin na nagtataglay ng required capacity ang mga regional directors at election officers, at panguhuli ay ang pagkonsulta sa Comelect partners at pag-aralan ang mga pananggalang kailangan para sa naturang amendments.

Samantala, sinabi naman ng Philippine National Police (PNP) na ipinaalam ito sa lahat ng mga political aspirant sa pamamagitan ng isang liham na nagsasaing babalikan ang kanilang mga security detail, habang ang lahat naman ng recalled police security detail ay isasailalim sa VIP Security and Protection Refresher Course.

Sinabi ng lahat ng mga political aspirants na ipaalam sa pamamagitan ng isang liham na ang kanilang security detail ay babalikan, habang ang lahat ng recalled police security detail ay sasailalim sa VIP Security and Protection Refresher Course.

Hindi naman kabilang sa nasabing recall of security detail ang mga government officials tulad ng presidente, bise presidente, senate president, speaker of the House of Representatives, chief justic of Supreme Court, Secretary of National Defense, the Secretary of the Interior and Local Government, the Chairman and Commissioners of Comelec, the AFP Chief of Staff, AFP Major Service Commanders, the Chief of the PNP, and senior officers of the PNP.

Nakasaad sa naturang resolusyon na ipinagbabawal ang anumang uri ng pagdadala ng firearms o deadly weapons sa labas ng tahanan o sa mga pampublikong lugar na una nang ipinatupad noong Enero 9 hanggang sa darating na Hunyo 8, 2022.