Naglabas pa ang Commission on Elections (Comelec) ng karagdagang 218 na show cause order sa mga kandidato ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na umano’y panuntunan sa premature campaigning.
Sa ngayon, ang kabuuang bilang na ng mga lumabag ay nasa kabuuang 2,391.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, sa talaan ng Comelec, 240 na kandidato pa lamang ang tumugon, habang 141 na reklamo ang ibinaba dahil sa kawalan ng factual basis.
Sinabi ni Garcia na maghahain ng disqualification complaint sa Huwebes laban sa 84 na kandidato kasunod ng inisyal na pagtatasa o assessment ng poll body.
Ang panahon ng kampanya para sa BSKE ay magsisimula pa lamang kasi sa Oktubre 19 at magtatapos sa Oktubre 28.
Inilalarawan ng Comelec ang premature campaigning bilang isang hakbang upang isulong ang halalan o pagkatalo ng isang partikular na kandidato o mga kandidato sa isang pampublikong opisina bago ang opisyal na panahon ng kampanya.