Naglunsad ang Commission on Elections (Comelec) ng “Task Force Katotohanan, Katapatan, Katarungan” upang labanan ang misinformation at disinformation para sa papalapit na May 2025 midterm elections.
Ayon sa poll body, ang Task Force KKK, ang siyang magmomonitor at magre-regulate ng mga nai-post at nai-publish na nilalaman sa quadri-media (TV, radyo, print at online).
Irerekomenda rin aniya ng Task Force KKK ang pag-uusig sa mga nagbibigay ng misinformation, disinformation at malinformation gayundin sa mga malicious actors ngayong laganap ang artificial intelligence at deepfakes.
Giit pa ng ahensya, ang paglikha ng task force ay naglalayong mapangalagaan ang integridad ng Comelec.
Opisyal na inilunsad ang Task Force KKK sa isang forum na “Philippine Elections and AI” na ginanap sa University of the Philippines College of Law sa Quezon City.