Nagpaalala ang Commission on Elections sa mga kakandidato na iwasang magsagawa ng maagang pangangampaniya kasabay ng unang araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy ngayong Martes, Oktubre 1.
Ito ay kahit na walang malalabag na batas ang mga maghahain ng kandidatura dahil hindi pa maikokonsidera ang mga ito bilang opisyal na kandidato.
Ayon kay Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, maituturing lamang ang mga ito bilang kandidato sa oras na mag-umpisa na ang panahon ng kampaniya sa susunod na taon.
Para sa national position ang simula ng campaign period ay February 11, 2025 habang sa local positions naman ay mula Marso 28, 2025.
Sinabi din ng opisyal na mahigpit nilang ipapatupad ang decorum sa mga venue ng COC filing sa lahat ng tanggapan ng Comelec.