-- Advertisements --

Nagpapaalala ang Commission on Election (Comelec) sa mga kandidato at mga political parties na hanggang ngayon araw lamang, Hunyo 13, ang pagsusumite ng kanilang statements of contributions and expenditures (Soce).

Sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez, na dapat sundin ng mga kandidato at mga political parties na nakasaad sa batas na isusumite ang Soce 30 araw matapos ang halalan.

Ang nasabing pagsusumite ay hindi lamang para sa mga nanalong kandidato at sa halip ay maging ang mga kandidato na hindi pinalad noong May 13 elections.

Ang mga hindi magsusumite ng Soce ay idideklarang bakante ang puwesto kung saan nanalo ang kandidato.

Kung sakali naman na hindi pa ito nagsumite ng hanggang anim na buwan ay magiging permanente ng bakante ang nasabing puwesto ng kandidato.