Todo paliwanag ngayon ang Commission on Elections (Comelec) kung bakit nila binawasan ang mga gagamiting Vote Counting Machines (VCMs) sa halalan ngayong taon kumpara sa dami ng VCM na ginamit noong 2016 elections.
Aabot lamang sa 85,000 ang mga gagamiting VCM para sa halalan sa Mayo mula sa dating 92,000 noong 2016.
Ayon kay Comelec Director Teopisto Elnas Jr., kaya nabawasan ang gagamiting VCM dahil ginawa na nilang 1,000 ang botante sa isang clustered precinct mula sa dating 800.
Sinabi rin ni Dir. Elnas na nasa 63 percent na ang installation ng mga gagamitin vote transmission facilities.
Samantala, ayon kay Elnas itatayo o isasagawa ang halalan sa mga polling centers sa mga botante ng Marawi City sa mga itinalagang kalapit na evacuation centers sa lungsod.