-- Advertisements --
IMG 20190520 124814

Mas mahigpit na seguridad ang inilatag ng Commission on Elections (Comelec) para sa idaraos na proklamasyon ng mga nanalong senador at party-list group sa Philippine International Convention Center (PICC).

Bagamat wala pang eksaktong petsa ng proklamasyon ay nagsagawa na ng dry run ang Comelec kanina katuwang ang ilang kinatawan ng PNP-Highway Patrol Group (HPG) at organic security ng komisyon.

Gumawa ang mga ito ng senaryo sa harap ng PICC forum na daraanan din ng mga kandidato bago pumasok sa Comelec command center kung saan isasagawa ang proklamasyon.

Kabilang sa senaryo ang pagpasok ng sasakyan ng mga kandidatong nanalo kasama ang kanilang kaanak at panauhin.

Sinabi ng Comelec na pinakiusapan na nila ang mga nanalong senador na limitahan lamang sa walo hanggang 10 ang kanilang mga bisita.