-- Advertisements --

Nagsagawa ang Commission on Elections (COMELEC) ng voter’s education sa loob ng detention facility ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs).

Ipinaranas sa mga detainees ang bagong Automated Counting Machine (ACMs) na gagamitin para sa halalan dahil hindi nila ito mismong magagamit sa araw ng eleksyon.

Kaugnay nito, ipinakita rin sa kanila ang magiging itsura ng mga balota na gagamitin sa pagboto at tiniyak silang lahat na ang matatanggap nila sa araw mismo ng halalan na mga balota ay mababasa nang maayos.

Matatandaan na noong nakaraang linggo ay pumirma na ng Memorandum of Agreement (MoA) ang Commission on Elections (COMELEC) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau of Corrections (BuCor) at Public Attorney’s Office (PAO) para sa maayos na pagboto ng mga Person Deprived of Liberty sa halalan sa susunod na taon.