Nagtalaga ang Commission on Elections ng isang komite para pag-aralan ang ipinaproposang pagbabawal ng paggamit ng artificial intelligence (AI) at “deepfake” sa susunod na taon na halalan, ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia nitong Huwebes.
Matagal ng isinusulong ni Garcia na ipagbawal sa mga magiging kandidato sa eleksyon ng 2025 ang paggamit ng AI technology at deepfake, dahil ang naturang teknolohiya umano ay lalo pang magpapalala sa mga problema ng “fake news” at disinformation sa bansa lalo na sa panahon ng halalan.
Binigyang diin ng Election chief na dapat makita ng mga botante ang tunay na pagkakakilanlan at imahe ng mga kandidato nang hindi gumagamit ng technological help.
Ibinahagi din ni Garcia ang isang kopya ng kanyang pinirmahang Memorandum No. 2024-0795 sa Commission en Banc na humihiling sa Committee on Environmentally Sustainable Elections.
Ang komite ay mag-aaral at mag-aalok ng mga hakbang na magpapabawas sa epekto sa kalikasan ng mga campaign activities, tulad ng mga rally, at ang produksyon at pagtatapon ng campaign materials.
Sinabi din ni Garcia sa isang text statement na bahagi ng tungkulin ng komite ay konsultahin din ang publiko.