-- Advertisements --

Plano ngayong ng Commission on Election (COMELEC) na palawigin ang sakop ng automatic gun ban exemption para sa 2025 National at Local Elections.

Sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia, na nais nilang isama ang ibang mga government officials sa automatic exemptions.

Maari nilang isama ang mga sheriff ng korte mula sa mababa hanggang Korte Suprema.

Ang nasabing panukala ay pag-aaralan muna ng mga election board at maaring agad na maaprubahan.