-- Advertisements --

Iniulat ng Commission on Election an mas kaunting organisasyon ang gustong lumahok sa May 2025 party-list elections.

Nakatanggap ang komisyon ng kabuuang 137 Manifestations of Intent to Participate noong natapos ang pagsusumite ng mga kinakailangang dokumento mula sa mga rehistrado at umiiral na party-list group noong Disyembre 2023.

Gayunpaman, sinabi ni Comelec spokesman John Rex Laudiangco na ang bilang ng mga grupo na nagsumite ng manifestation of intent ay hindi pa rin ang aktwal na bilang ng kalahok sa mga botohan sa susunod na taon dahil ang huling listahan ay tutukuyin pa rin ng poll body.

Batay sa listahan ng Comelec, ilang organisasyon ang naghain ng higit sa isang manifestation of intent.

Iginiit ni Comelec Chairman George Garcia na ang bawat organisasyon ay dapat maghain lamang ng isang manifestation of intent na lumahok sa halalan.

Nauna nang itinakda ng Comelec ang deadline para sa paghahain ng mga petisyon para sa pagpaparehistro ng mga party list sa Disyembre 29.