Tiniyak ng Comelec na mananatili silang nakaantabay sa magiging takbo ng kaso ng dating pinuno ng poll body na si ex-chairman Andres Bautista.
Kasunod ito ng pagsasampa ng kaso ng US government laban kay Bautista, dahil sa money laundering at conspiracy.
Nalantad ang ilang impormasyon sa isyu, matapos isiwalat ng dati nitong asawa na si Patricia Paz Bautista ang umano’y ill-gotten wealth na nagkakahalaga ng P1 billion ($17.57 million).
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, tututukan nila ang kaso at kung saan man ito makarating.
Pagtitiyak ni Garcia, mula nang manungkulan siya ay pinaiiral nito ang transparency sa poll body, kaya batid ng publiko ang takbo ng anumang pinapasok nilang transaksyon.
Ang mga deal naman umano ng komisyon ay sinisiguro nilang patas para sa lahat ng stakeholder.
-- Advertisements --