-- Advertisements --
Nakatapos na ang Commission on Elections (COMELEC) ng 60 percent na mga naimprintang balota na gagamitin sa 2025 midterm elections.
Sinabi ni COMELEC chairman George Garcia, na maaring sa Marso 20 ay matatapos ng maimprinta ang lahat ng balota.
Mayroon ng 44 milyon ang naimprinta sa kabuuang 72 milyong balota.
Maaring sa Abril 14 naman ay matatapos na ang manual at automated verification ng mga balota.
Kahit na naharap sila sa temporary restraining order mula sa korte noong nakaraang mga buwan ay on-track pa rin silang maabot ang target date.