-- Advertisements --

Nanawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa mga may kaanak na botante na namatay na para ipaalam sa kanilang mga local election offices nang maiwasan ang anumang anomalya pagdating sa halalan.

Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na isang paraan para maprotektahan ang alaala ng mga namayapang tao ay dapat tiyakin ng mga kaanak nito na hindi ito gagamitin sa pandaraya.

Inihalimbawa ni Jimenez na maraming mga pangalan na lumabas sa Comelec ballots ang patay na, habang ang iba ay ginagamit sa pamamagitan ng flying votings.

Dagdag pa ni Jimenez, maaaring itawag na lamang ng mga kaaanak nila sa kanilang local Comelec offices kung saan bomoboto ang kanilang namayapang kaanak.