Nananawagan ang Commission on Elections sa mga indibidwal na natanggal ang pangalan sa voters list na ahensya na muling magpa reactivate upang makaboto sa gaganaping 2025 Midterm Elections.
Sa isang pahayag, sinabi ni COMELEC Chair George Erwin Garcia, bumisita lamang sa pinakamalapit na Local Election Offices upang muling magpatala.
Ayon kay Garcia, maaari na ngayong ma-reactivate ang kanilang status sa poll body gamit ang online ng komisyon.
Upang maging madali, mangyaring bumisita lamang sa kanilang website para malaman ang proseso kung paano muling magpa-re activate ng kanilang Voter Registration.
Nilinaw rin ng opisyal na wala nang gagawing biometric at fingerprint dahil may datos na ang poll body.
Kung maaalala, aabot sa halos apat na milyong mga botanteng Pilipino ang inalis ng ahensya sa kanilang listahan dahil hindi ito nakaboto ng dalawang magkasunod na halalan.