Nananawagan ngayon ang Comelec sa mga overseas voters na makibahagi sa kanilang gagawing test run sa apat na mga internet voting solutions bilang paghahanda sa halalan sa susunod na taon.
Sa inilabas na kalatas ngayong araw ni Director James Jimenez, spokesman at namumuno ng Education and Information Department ng Comelec, kuwalipikado ang mga overseas voters sa test run kung sila ay aktibong botante at kompleto ang biometrics data.

Sa mga sasali sa test run, kailangang may data acces o internet ang kanilang cellphone o laptop.
Ang mga sasali na magpapalista ay merong hanggang Biyernes o February 12 ng alas-8:00 ng umaga ang deadline.