-- Advertisements --

Nanindigan ang Commission on Elections (Comelec) na hindi na-hack ang kanilang automated election system.

Ito ay sa kabila ng mga alegasyon ni Sen. Imee Marcos na nagkaroon ng security breach sa bahagi ng automation contractor na Smartmatic.

Sinabi ni Comelec spokesman James Jimenez na mula pa nung una ay fully in charge na ang poll body sa eleksyon.

Muli nitong iginiit na walang naganap na hacking sa kanilang sistema at sinabing walang umano itong magiging epekto sa magiging resulta ng darating na election sa buwan ng Mayo 9.

Sa kabilang banda naman ay itinanggi naman ng Smartmatic ang mga alegasyong ito at sinabing hindi kasama sa kanilang trabaho ang anumang pagproseso o pag-iimbak ng personal date ng mga botante.

Ito ay matapos naman na sabihin ni Senate President Vicente Sotto III na may isang empleyado ng Smartmatic ang nagpahintulot sa isang grupo na kopyahin ang data ng mga botante mula sa isang laptop.

Samantala, sinabi naman ni Commissioner George Erwin Garcia na tutugunan ng Comelec ang alegasyon na ito ng senado.

Sa ngayon ay naghihintay na lamang ang Comelec ng ulat mula sa National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa naturang hacking.