-- Advertisements --
image 527

Natapos na ng Commission on Elections ang 964-pages draft ng mga iminungkahing amendments sa Omnibus Election Code.

Ayon kay COMELEC chairman George Garcia na kasama sa mga iminungkahing rebisyon ang mga probisyon sa pagsasaayos ng party-list system at mga pagbabago sa campaign finance.

Aniya, isinusulong ng Comelec ang isang bagong hanay ng batas na magpapaunlad sa sistema ng elektoral sa ating bansa.

Kabilang din dito ang panukalang magbibigay-daan sa online na pagboto para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) at seafarers.

Binigyang diin ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na 600,000 lamang sa mga rehistradong botante sa ibang bansa ang bumoto noong 2022.

Ito aniya, ay katumbas lang ng 39% sa 1.6 million na mga registered voters sa ibang bansa.