-- Advertisements --
Nilinaw ng Comelec na para sa deadline ng paghahain ng nuisance petitions ang kanilang pinalawig at hindi ang ibang proseso.
Inakala kasi ng iba na ang extension ay para sa paghahain ng iba pang dokumento, kagaya ng certificate of candidacy.
Una rito, inaprubahan ng Commission En Banc ang binagong deadline para makapaghain ang petitioners ng pagtutol sa mga nuisance candidates o pampagulo lamang.
Ang schedule nito ay mula sa October 14, 2024 hanggang October 16, 2024, sa ganap na alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
Ang adjustment ay bunsod ng Memorandum Circular No. 66 na inilabas ng Office of the President para sa work suspension sa Manila at Pasay dahil sa isang international event sa PICC.