-- Advertisements --
image 554

Nilinaw ng Commission on Elections (Comelec) na ang pagpaparehistro sa Bureau of Internal Revenue at pagbabayad ng registration fee ay hindi mandatoryo sa paghahain ng certificates of candidacy.

Ayon sa poll body, hindi ito kailangan upang maipagpatuloy ng isang indibdiwal na maging kandidato sa halalan.

Binigyang diin ng Comelec na base sa Korte Suprema walang ari-arian o financial requirement ang dapat na ipataw bilang kwalipikasyon ng mga kandidato.

Aniya, ang pagmandato sa mga kandidato para magbayad ng registration fee sa BIR na may parusa para sa hindi pagsunod ay katumbas ng pagpapataw ng financial requirement para sa tumatakbo para sa public office.