Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na hindi pa nila tatanggapin ang pangalan ni dating Caloocan City Rep. Edgar Erice sa balota para sa 2025 midterm elections.
Ito ay matapos na ma disqualify si Erice sa pagtakbo bilang kinatawan ng ikatlong distrito ng Caloocan.
Sa naging pahayag ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, nilinaw nito na sa ngayon ay hindi pa final at executory ang desisyon ng poll body.
Maaari pa aniyang umapela ang kampo ni Erice sa Comelec En Banc dahil second Division na siyang nag diskwalipika sa kanya.
Una nang sinabi ni Erice na maghahain sila ng Motion for Reconsideration sa komisyon hinggil sa naging desisyon nito laban sa kanyang Certificate of Candidacy.
Punto naman ng kampo ng dating mambabatas na hindi nila nilabag ang Omnibus Election Code lalo nang sa darating pa na Mayo ang susunod na halalan.
Naniniwala rin ito na galit sa kanya ang mga commissioner’s ng Comelec kaya hindi na aniya siya nagtaka sa resulta ng resolusyon.
Kung hindi naman aaprubahan ng poll body ang Motion for Reconsideration na inihain nito ay target nilang ilapit ang usapin sa Supreme Court.