-- Advertisements --

Itinama ng Commission on Elections (Comelec) ang naunang ulat nito na nagsasabing depektibo ang nasa mahigit limang milyong naimprentang balota para sa May 2022 elections.

Sinabi ni Commissioner George Garcia na batay sa imbestigasyon, nasa 105,000 lamang at hindi 5.2 million na mga balota ang ikinokonsiderang “bad ballots”.

Paliwanag ni Garcia, ang madaming bilang ng naunang ulat na “bad ballots” ay nag-ugat lamang aniya sa ilang good ballot na naisama sa bilang kasama ang mga rejected ballots bago isagawa ang kanilang verification.

Dagdag pa niya, kung makitaan man ng isang depektibong balota ang isang presinto na nakapagimprenta ng 1,000 balota ay kinakailangan na isailalim din sa verification ang natitirang 999 dito.

Ayon pa sa komisyoner, sa kabuuang 5,505,268 na mga balotang nai-set aside na, 3,344,333 dito ay pawang mga good ballots, habang nasa 1,943,935 pa ang nakabinbin para isailalim sa verification.

Samantala, upang matiyak naman ang transparency sa electoral process ay magsasagawa ng random testing ang poll body sa mga printed ballotes na bubuksan naman sa mga observers.

Ikokonsiderang bad ballot ang isang balota kung ito ay may mansta, maling linya, kulay, hindi tama ang pagputol, o iba pang printing errors.