Ipinaliwanag ng Commission on Elections (COMELEC) na normal lamang ang nangyayaring ‘connection timeout’ sa online precinct finder na kakabukas lamang sa publiko ngayong araw. Ayon kay Commission on Elections Chairman George Erwin Garcia, pamamaraan ito ng poll body upang hindi agad ma-hack ang sistema ng precinct finder.
Dagdag pa niya, ito ay kanilang ginawa dahil na rin sa 35M hacking attempts na natanggap ng precinct finder noong nakaraang eleksyon. Aniya, bukod naman kasi sa online precinct finder maaari rin makita ang mga kailangan na impormasyon sa mga ipapamahaging Voters Information Sheet.
Sinabi rin ni COMELEC Chairman na wala dapat ikabahala ang publiko rito dahil pagtitiyak nila na secured ang lahat ng data ng COMELEC sa precinct finder. Magtatanggal na bukas sa publiko ang precinct finder hanggang Mayo 12 o araw ng eleksyon.