-- Advertisements --
Binigyang-linaw ng Comission on Election o COMELEC na pwedeng bawiin o kwestiyunin ang perma para sa people’s initiative na nagsusulong ng pagbabago sa saligang batas.
Ayon kay COMELEC chairman George Erwin Garcia, maaring bawiiin ng botante ang pirma kung sa tingin nito ay hindi na naipaliwanag ng maayos kung saan ito gagamitin.
Kung ang pirma naman ay produkto ng panlilinlang, panunuhol, pananakot, tirorismo at pananakit ay pwede umano itong kwestiyunin sa comelec.