-- Advertisements --

Nilinaw ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner George Garcia na wala silang empleyado na sangkot sa umano’y security breach ng poll technology provider na Smartmatic’s system.

Aniya, ang tinutukoy ng House of Representatives ay ang empleyado mula sa Smartmatic at hindi mula sa Comelec.

Nauna na ngang binigyang diin ni Smartmatic spokesman Atty. Christopher Louie Ocampo sa ginawang pagdinig sa House Committee on Suffrage and Electoral Reforms na hindi nahack ang kanilang system at nananatiling 100 porsyentong ligtas at secure ang halalan ngayong taon sa kabila ng naturang isyu.

Ayon kay Ocampo na ang source code at software ng Automated Election System ay pinangangasiwaang buo at kontrolado ng Comelec gayundin ang sariling servers ng poll body at infrastructure ay nakahiwalay at distinct mula sa Smartmatic.

Ang naturang Smartmatic employee na sangkot sa umano’y security breach sa kanilang system ay inilagay na sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon kay Garcia, inaantay na nila sa nagyon ang ulat mula sa NBI hinggil sa naturang isyu at tiniyak na ilalabas sa lalong madaling panahon ang trsulta ng imbestigasyon sa publiko.