Agad nilinaw ng Comelec na walang iregularidad sa mga pasilidad na gagamitin sa halalan na nasa isang bahay sa Davao.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, hindi ito mga makita kundi mga Stalink equipment na ikakabit na agad sa mga paaralan at iba pang gagamiting presinto.
Hindi rin umano totoo na may mga kasamang makina sa nasabing mga equipment dahil makikita sa larawan na ito ay para sa communication facilities lamang.
Pagbabahagi pa ni Garcia, walang nakuhang warehouse sa lugar dahil short term lamang ang storage time at gagamitin na rin sa susunod na araw.
Una rito, ilang post sa internet na may larawan ng mga gamit ng Comelec ang lumikha ng mga espikulasyon kung bakit nasa loob lamang ito ng isang bahay at hindi sa warehouse na karaniwang nirerentahan ng poll body.