Maaari nang makita online ng mga Pilipinong botante ang kani-kanilang assigned voting centers o presinto bago pa man ang mismong araw ng Eleksyon 2022.
Ito ay sa pamamagitan ng online Precint Finder na inilunsad ng Commission on Elections (Comelec) simula pa noong 2016.
Kinakailangan lamang na mag fill up ng kanilang detalye ang mga rehistradong botante online sa https://voterverifier.comelec.gov.ph/voter_precinct.
Dito makikita ng mga botante ang kanilang status at gayundin ang location at precinct number ng mga ito.
Magugunita na una rito ay nakipagtulungan na ang Comelec sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa hosting ng online services ng poll body.
Kabilang dito ang mga precint finder, registration status verifier, online voter certification application, at ang maging ang website results ng national at local elections.