-- Advertisements --
DAVAO CITY – Nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) sa publiko kaugnay ng ban na ipatutupad kasabay ng halalan laban.
Bukod kasi sa inuming alak, ipagbabawal din daw ng Comelec ang pagsusugal gaya ng sabong at karera ng mga kabayo.
Ani Atty. Krisna Caballero, spokesperson ng Comelec-11, mahaharap sa kaukulang parusa ang mga mapapatunayang nasangkot sa mga ipinagbabawal ng poll body.
Magsisimula ang liqour ban sa Linggo, May 12 at magtatagal hanggang matapos ang araw ng May 13.
Kasabay nito, mag-iinspeksyon umano ang Comelec sa ilang lugar bago ang araw ng eleksyon.