Tiniyak ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia na pananagutin ng komisyon ang opisyal ng mga barangay na sangkot sa biglaang pagdami ng registered at transfered voters sa mga lugar ng Cagayan de Oro at Makati City.
Dagdag pa niya, kailangan ng tapusin ang mga ganitong katiwalian na nangyayari sa paghahanda para sa halalan. Wala namang mali sa paglalabas ng mga barangay certificates dahil ito ay kanilang trabaho pero kung ito ay ginagawa para sa sariling bentahe ay hindi ito nararapat.
Kaugnay nito, maglalabas naman ang Law Department ng tanggapan ng subpoena para pagpaliwanagin ang mga opisyal ng mga barangay ng mga naturang lugar sa Lunes, Disyembre 2.
Samantala, siniguro rin ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia na tutukan ito ng pansin ng komisyon at pananagutin ang mga sangkot na opisyales
Matatandaan na lumobo sa 56,586 ang mga nag-reactivate, nag-transfer at bagong mga na-register na mga botante mula sa Makati City. Samantala, sa Cagayan de Oro naman ay umabot sa 8,218 ang mga naitalang mga bagong botante.
Ang lahat ng mga kaso na ito ay may kinalaman din sa maramihang paglalabas ng mga barangay certificates bilang patunay ng identidad kaya naman isa sa rekomendasyon ng komisyon ay tanggalin na ang barangay certificates bilang patunay sa identidad ng mga botante.