-- Advertisements --

Ipinahayag ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia na hindi na isasama ang pangalan ni dating Ilocos Sur governor Chavit Singson sa mga bagong balota na iimprenta. Ito ay kasunod ng kanyang pormal na pagpasa ng withdrawal para sa kanyang kandidatura sa pagka-senador.

Ayon kay Garcia, dahil sa mga bagong balota na iimprenta sa susunod na linggo, mabilis na lamang nilang matatanggal ang pangalan ni Singson.

Matatandaan na dating ipinahayag ni COMELEC Chairman Garcia na ikokonsidera bilang ‘stray votes’ ang mga makukuhang boto ni Singson. Ngunit, dahil sa inilabas ng Korte Suprema na Temporary Restraining Order (TRO) ay napahinto pansamantala ang pag-imprenta ng mga balota at kailangang baguhin ulit ang ballot face template o itsura at nilalaman ng mga balota.