DAGUPAN CITY – Handang handa na ang Commission on Elections (Comelec) Pangasinan sa 2019 midterm election.
Ito ang sinabi ni Provincial Election Supervisor Atty. Ericson Oganiza sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan.
Sa ngayon ang hinihinatay na lang ng kanilang tanggapan ay mga official ballot na gagamitin
Samantala, dumating na rin umano sa lalawigan ang mga vote counting machines (VCM) at mga ballot boxes.
Ito aniya ay mahigpit na binabantayan ng PNP at walang puwedeng makalapit dito.
Sinabi ni Oganiza na kahit sila mismong taga Comelec ay pinagbawalang makalapit o makapasok sa hub na kinalalagyan ng mga ito.
Samantala, handang-handa na rin ang mga guro na magsisilbing board of election inspectors (BEIs) sa darating na halalan.
Sa ngayon ay patuloy ang pagsasailalim sa mga guro sa refresher training para magampanan nilang maayos ang kanilang trabaho sa araw ng halalan.