-- Advertisements --
image 587

Sinuspinde ng Commission on Elections ang paghahain ng Certificate of Candidacy para sa mga tatakbo sa BSKE sa National Capital Region, lalawigan ng Abra at Ilocos Norte dahil sa mga nararanasang pag-ulan at pagbaha.

Ayon kay COMELEC Spokes John Rex Laudiangco, ang suspensyon ay dahil na rin sa ginawang pagkansela ng mga trabaho sa nasabing mga lugar.

Dahil dito, pinalawig pa ng kumisyon ang paghahain nito hanggang sa September 3, alas 5pm ng hapon.

Giit ni Laudiangco, ngayong araw ay hindi tatanggap ang COMELEC ng mga ihahaing COC ,sa kahit alin mang offsite facility sa mga natukoy na lugar kagaya na lamang ng mga mall.

Una na ngang kinasela ng ilang mga LGU sa Luzon ang mga klase at pasok sa gobyerno dahil sa sama ng panahong dulot ng umiiral na habagat na lalo pang pinalalakas ng bagyong si Hannah.